Kampo ni Deniece Cornejo, kinuwestiyon kung bakit nasa kustudiya ng NBI si Vhong Navarro

Kinuwestiyon ng abogado ni Deniece Cornejo kung bakit nasa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vhong Navarro sa halip na sa pulisya matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa aktor dahil sa kasong rape.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Giit ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cornejo, na dapat idetine si Navarro sa Taguig City jail alinsunod umano sa batas.

Paliwanag pa ni Topacio, na ang mga nasa kustudiya lang ng NBI ay ang mga naarestong caught in the act o iimbestigahan ng naturang ahensya.

Read More:  6 Southeast Asian Countries withdraw from Miss Universe 2026

Matatandaan na inilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ang ikalawang warrant of arrest laban kay Navarro para sa rape charges nang walang inirekomendang piyansa.