Kamara inaprubahan na sa 2nd reading ang ‘Accompanying Bill’ ng RBH No. 6 na nagpapatawag ng Con-Con

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 7352 o ‘Accompanying Bill’ ng Resolution of Both Houses No. 6 na nagpapatawag ng Constitutional Convention para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ang House Bill 7352 o ang con-con bill, na siyang implementing bill ng Resolution of Both Houses 6 na nananawagan para sa con-con para amyendahan ang 1987 Constitution, ay nagbibigay din sa mga delegado ng P10,000 kada araw ng attendance compensation sa panahon ng con-con proceedings.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Nakasaad din sa con-con bill na ang con-con delegation ay bubuuin ng humigit-kumulang 316 members kung saan  80% sa kanila ay ihahalal mula sa mga Congressional districts habang 20% ​​ay hihirangin ng Pangulo.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ang  term of office ng con-con delegates ay tatakbo mula December 1 ngayong taon hanggang June 30, 2024.//CA