Kamag-anak at legal representative ni Quiboloy, binibigyan ng 6 na buwan ng PNP upang isuko ang mga baril ng Pastor

Binibigyan ng 6 buwan ng Philippine National Police ang mga kamag-anak at legal representative ni Apollo Quiboloy na isuko o iturn-over ang mga baril na nakapangalan sa pastor.

Ito’y makaraang bawiin ng PNP nitong Biyernes ang License To Own and Possess Firearms (LTOPF) ng 19 na mga baril ni Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, maaaring isurrender ito sa pinakamalapit na police station o sa Firearms and Exlosive Office.

Sinabi ng opisyal na dahil nirevoke na ang lisensiya , maikokonsidera nang loose firearms ang mga baril ni Quiboloy.

Kung hindi aniya maisusuko ang mga baril sa loob ng anim na buwan , magiging subject na ito ng kanilang police operation.

Samantala, sa ngayon tuloy-tuloy ang manhunt operation kay Quiboloy na nahaharap sa kasong qualified human trafficking at child abuse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *