Ex- VP Robredo, lumipat na ng rehistro sa Naga City!

NAGA CITY- Lumipat na ng rehistro si dating Vice President Atty. Leni Robredo nitong Sabado, Abril 27 sa Naga City mula sa bayan ng Magarao, Camarines Sur. Kinumpirma ito ni Commission on Election Naga, Atty. Maico Julia, sa isang panayam ng Brigada News FM Naga. Ayon kan Julia, alas tres ng hapon nang magtungo ito sa kanilang opisina  upang mag-sumite ng application for transfer sa Concepcion Pequeña; ang pinaka maraming botanteng Barangay sa Naga.Dahil dito, lalo pang lumakas ang posibilidad ng pagtakbong alkalde. Sa ngayon hindi pa malinaw, at wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Robredo sa kung anong posisyon ang lalaban nito sa darating na 2025 midterm election. Subalit ayon sa COMELEC Naga, tatlong posisyon na lamang ang pwede niyang labanan, pagka-alkalde, pagbalik bilang Kongresista sa 3rd District ng Camarines Sur, at Senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *