Kalsada patungong Barangay San Isidro at Bugtong sa Barcelona, ‘passable’ na matapos pansamantalang isara dahil sa landslide

‘Passable’ na ang kalsada patungong Barangay San Isidro at Barangay Bugtong sa bayan ng Barcelona matapos itong pansamantalang isara dahil sa landslide at punong bumagsak na humambalang sa nasabing lugar.

Sa impormasyon na nakalap ng Brigada News, tuluyan nang binuksan sa publiko at mga motorista ang nasabing kalsada matapos ang isinagawang clearing operation na pinangunahan ng Barcelona Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang ang rescue at response ng BFP Barcelona at mga staff, Barangay Officials ng San Isidro sa pamumuno ni Punong Barangay Buddy Brin.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender
Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kung babalikan, gabi noong Huwebes nang isinara ang bahagi ng kalsada sa nasabing barangay dahil sa insidente ng lansdlide at ginawang alternatibong daanan ang kalsada na matatagpuan sa Barangay Lago ng nasabing bayan.