Kalidad ng hangin sa Metro Manila, mas ligtas na kumpara sa mga nagdaang araw

Unti-unti na raw umaaliwalas ang hangin sa Kamaynilaan.

Sa Saturday News Forum – sinabi ni DOST-PAGASA Weather Division chief Eng. Jun Galang na umaayos na ang kaldiad ng hangin sa Metro Manila.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Aniya, mas ‘ligtas’ na raw ito ngayon, kumpara sa mga nagdaang araw dahil sa smog.

Paliwanag ni Galang – nakatulong ang mga naranasang pag-ulan sa Metro Manila para maitulak at gumalaw nang bahagya ang smog.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sa latest bulletin ng Air Quality Index o AQI ng DENR-NCR, nasa ‘good condition’ na ang hangin sa Kamaynilaan.

Bago ito, una nang nilinaw ng DOST at ng DENR na ang smog na naranasan sa rehyon ay hindi dulot ng volcanic smog ng Bulkang Taal.