LEGAZPI CITY – Kasalukuyang isinasagawa ang Kalayaan Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol sa SM City Legazpi, kung saan nasa mahigit 5,000 job vacancies para sa government, national, local at overseas ang inooffer.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DOLE Bicol Regional Spokesperson JVi Gasga, sinabi niya na maliban sa job fair, kasama rin sa mga nakalinyang aktibidad ang Kadiwa ng Pangulo, Livelihood Fair, Safety Officer 1 Training at iba pa.
Ayon kay Gasga, kahit pa mayroong mga nag-online register para sa job fair, handa naman sila para sa mga walk-in applicants.
Samantala, wala naman umanong age limit sa aktibidad kaya’t patuloy niyang hinihikiayat ang lahat na makiisa sa kanilang job fair.