Kalayaan Group of Island sa WPS, binuksan na sa mga turista

Binuksan na ang Kalyaan Group of Island sa West Philippine Sea sa mga turista sa unang pagkakataon.

Kaugnay ito sa inilunsad na Great Kalayaan Expedition project ng Lokal na Pamahalaan na layuning gawing tourist destination para sa game fishing and diving ang West Philippine Sea.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nitong Huwebes, March 16 ay naglibot na ang tourist expedition sa isla gamit ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG), BRP Melchora Aquino patungo sa isa sa mga isla ng Kalaayaan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Lulan nito ang mga miyembro ng Kalayaan Tourism Technical Working Group, kasama ang mga kinatawan mula sa Palawan Provincial Tourism Board, ang Palawan Council for Sustainable Development, gayundin ang mga eksperto sa sport fishing at recreational fishing.