Kalansay ng isang miyembro ng NPA, narekober ng kasundaluhan sa Cagayan

Isang kalansay ng kasapi ng rebeldeng NPA ang narekober ng mga kasundaluhan sa Sitio Birao, Barangay Hacienda Intal, Baggao, Cagayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Army Major Jekyll Dulawan, ang Chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Divission, natukoy ang nahukay na kalansay na si Vincent Cusipag alias “MJ” matapos kilalanin ng kaniyang mismong lola dahil sa suot nitong bracelet at damit.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Natuklasan ang lugar kung saan inilibing si MJ matapos isiwalat ito ng kaniyang dating kasamahan.

Ayon kay Maj. Dulawan, sumapi si alyas MJ sa kilusan noong taong 2018 at nagdesisyung kumalas taong 2019 upang makapiling ang kaniyang lola subalit nawala ito na pinaniniwalaang pinaslang at inihukay ng mga kasamahan sa kilusan.

Isinasaayos na ang narekober na kalansay para sa maayos na libing ni alyas MJ.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Samantala, isa ring dating rebelde na si alyas Yain ang boluntaryong sumuko sa kasundaluhan dala ang isang kalibre 30 riffle.

Pinuri naman ni MGen. Laurence Mina, commander ng 5ID ang mga kasapi ng 17th Infantry Battalion at 501st Infantry Brigade dahil sa patuloy na pagsusumikap upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa kanilang nasasakupan.