Kalagayan ng mga bakwit sa evacuation centers sa Albay, minomonitor  ng DOH at PHO

LEGAZPI CITY – Muling nag-inspeksyon ang Department of Health (DOH) Bicol kasama ang Albay Provincial Health Office (APHO) sa mga evacuation center upang tingnan ang kalagayan ng mga bakwit.

Kabilang sa mga pinuntahan ng ahensya ay ang mga evacuation centers sa Anislag, Budjao, Gabawan sa Daraga, Mauraro sa Guinobatan, at Bariw sa  Camalig.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ilan umano sa mga tiningnan ng mga ito ay ang  pinagkukunan ng inuming tubig at panligo, isolation rooms, at medical stations.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sinabi pa ng DOH, ang bwat evacuation center ay mayroon nang medical station upang matiyak ang kalusugan ng mga bakwit at makapagbigay agad ng agarang serbisyong medikal sa mga ito.