Kakulangan sa supply ng tubig sa Ragay, Camarines Sur, tinuturong dahilan sa  pagbaba ng water rate

CAMARINES SUR – Aminado si Ragay Water District General Manager Celia Jarabejo na may ilang bahagi sa bayan na kinukulang ang supply ng tubig dala ng labis na init ng panahon kung kaya’t maging ang water rate, apektado na rin.

Binigyang linaw ni Jarabejo na dahil sa kakulangan ng supply, nagpalabas sila ng water rate adjustments upang matugunan ang reklamo ng ilang mga consumer. Dagdag pa ng opisyal na kahit na nga may tatlong pumping station at apat na spring source sa lugar, hindi pa rin sumasapat ang supply dahil “depleted” o natuyo na ang mga spring sources kaya’t kahit paunti-unti, ginagawa nilang regular ang pagbibigay ng tubig sa mga may mahihina at walang supply.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting
Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Pakiusap rin ng opisyal sa mga residente na nawa’y makiisa sa pagtitipid ng tubig kasabay ang mahabang pasensya hanggang sa maibalik sa normal ang kanilang supply.