Kakulangan ng bakuna kontra pertussis, problema ng mga Municipal Health Office

CAMARINES SUR – Problema ngayon ng mga Municipal Health Office sa mga Lokal na Pamahalaan, ang kakulangan ng bakuna kontra pertussis.

Sa panayam kay Dr. Nonoy Severo, Head ng MHO Camaligan, kulang o wala nang naibabang bakuna lalo na ang penta hib vaccine mula sa Department of Health na kailangan ng mga bata laban sa sakit na pertussis o ang matinding pag-ubo maging sa iba pang mga sakit, lalo na’t 11 na ang kaso ng pertussis at isa na ang namatay sa Camarines Sur,┬ábase sa huling datus ng DOH Bicol.

Ayon naman kay Dr. Rey Millena, DOH Camarines Sur, Provincial Officer, bagamat tinitiyak nilang may sapat na bakuna lalo na sa mga ospital, nasa mga Lokal na Pamahalaan pa rin ang pagpapalakas ng interbensyon upang hindi na lumala o kumalat pa ang sakit.

Dagdag pa ni Severo, bagamat problema ang bakuna, tuloy-tuloy pa rin ang monitoring at paghihikayat sa mga magulang na pabakukahan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *