Kakapusan ng bakuna kontra COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa, patunay na mabilis na ang bakunahan – Malacañang

Sa positibong aspeto pa rin tinitingnan ng Malacañang ang mga ulat na paghinto ng ilang mga lokal na pamahalaan ng kanilang covid-19 vaccination program dahil sa kakulangan ng suplay ng mga bakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ibig sabihin nito na mabilis na ang bawat LGU sa kanilang vaccination roll-out o bakunahan.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dahil dito, sinabi ng opisyal na hindi malayong maabot ang target na 500,000 doses ng bakuna ang ma-administer kada araw sa buong bansa.

Gayunpaman, nakalulungkot naman aniya, dahil habang mas dumarami ang mga Pilipinong nais mabakunahan, saka naman nagkakaroon ng delay sa ilang suplay.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Kaugnay nito, tiniyak naman ng tagapagsalita na darating din ang bulto-bultong suplay ng bakuna sa mga susunod na linggo at buwan.

Mababatid na noong nakaraang linggo ay nakatanggap ang bansa ng mga bakunang gawa ng Sputnik V mula Russia at dumating rin ang donasyong Astrazeneca vaccines ng Japan.