Kabilang na ang Filipino basketball star na si Kai Sotto sa Yokohama B-Corsairs para sa Japan Basketball League.
Nagsimula ang paglipat ni Sotto noong Disyembre 26 sa sa pamamagitan ng loan basis mula sa Hiroshima Dragonflies.
Sa kanyang pahayag, pinasalamatan nito ang team Yokohama B-CORSAIRS at ang organisasyon sa ibinigay nilang tiwala sa kanya sa kabila ng pagkakaroon ng injury.
Maaalalalang na-injure si Sotto sa kanyang stint sa Orlando Magic sa NBA Summer League, na humantong sa hindi niya paglaro ng kahit isa man lang para sa Dragonflies.
