Balik hard-court na ang 7’3 Gilas Center na si Kai Sotto para sa Yokohama sa Japan Basketball League.
Halos tatlong buwan din ang pahinga ng Pinoy cager para tuluyang maka-recover sa kanyang back injury.
Kumpiyansa naman si Sotto sa kanyang kondisyon pero naging maingat ang kanyang mga coach sa Yokohama.
Dahil dito, bingyan lamang siya ng ilang minutong playing time para hindi mabigla ang kanyang katawan sa pagbabalik.
Tinalo ng koponan ni Sotto ang Toyama Grouses sa iskor na 100-95.
