Kagay’anon, representante ng Pilipinas sa Mrs. Tourism Pageant 2022 na gaganapin sa Thailand

Proud na inihayag ng isang Kagay-anon na si Mrs. Maricar Duncan na siya ang tatayong representante sa Pilipinas at Dubai, UAE o United Arab Emirates para sa Worldwide pageant na Mrs. Tourism 2022 5th Edition na gaganapin sa Bangkok/Rayong Thailand sa October 2, 2022.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na nagpadala ng representante ang Dubai na isang Pilipina at representante din ng Pilipinas. 

Sa isang panayam, inihayag ni Mrs. Duncan ang kanyang adbokasiya at rason sa pagsali sa presitihiyosong pageant kung saan aabot sa apat na po na mga bansa ang lalahok sa international pageant.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon kay Mrs. Duncan, sentro ng kanyang sariling pananaw sa buhay na naging tema sa nasabing pageant na “A Mother who cares for the World”.

Ayon pa kay Mrs. Duncan na bago siya nakapagpasiya na lumahok sa pageant, mayroon siyang adbokasiya na kahalintulad sa mga kabataan lalong lalo na sa mga mahihirap na pamilya na tulungan silang makapagtapos ng pag-aaral dito sa Pilipinas.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nahikayat  si Mrs. Duncan na lumahok sa pageant upang maging magandang halimbawa sa mga kababaihan at maipakita ang kapasidad sa ibat-ibang larangan.

Kaugnay nito, nanawagan ngayon ng suporta si Mrs. Duncan sa mga Pilpino na suportahan siya at i-vote online sa https://megastar-pageants.app/ upang makapasok ito sa finals. END