Mapayapa ang naging takbo ng paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga kandidato sa iba’t ibang position sa Olongapo City base sa assessment ng City Police Office.
Hanggang sa huling araw ng coc filing ay wala umanong naitalang election related incident sa lungsod.
Ayon kay City Director Pcol. Jeric Villanueva, kahapon dahil huling araw ng paghahain ng coc ay inasahan na agad nila ang pagdagsa ng tao dahilan kaya nagdagdag rin ng tauhan ang OCPO na nagbantay.
Sa kabuuan aniya ay umabot sa pitumput lima ang mga kandidato na kinabibilangan ng anim para sa pagka-alkalde, lima sa bise-alkalde at animnaput apat para sa pagkakonsehal.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
