Justin Bieber, nagbigay ng update sa kanyang fans kaugnay sa kanyang kalusugan

Nagbigay ng update ang international pop superstar na si Justin Bieber sa kanyang fans kaugnay sa estado ng kanyang kalusugan.

Matatandaang inanunsyo ng singer na tinamaan siya ng Ramsay Hunt Syndrome kung saan nagkaroon siya ng partial facial paralysis.

Read More:  Apple David warns ‘bashers’ of possible legal action

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Bieber na bumubuti ang kanyang kalagayan bawat araw at nakakaramdam na siya ng ginhawa ngayon.

Read More:  Heart Evangelista reveals donating diamond ring from ex-boyfriend to charity

Samantala, naniniwala siya na malalampasan niya ang unos na kanyang nararanasan ngayon dahil kasama umano niya ang Panginoon. (ARGIE ERGINA)