July 17-23 idineklara ni PBBM na National disability rights week

Naglabas ng proklamasyon ang Palasyo ng Malacañang na nagdedeklara sa July 17-23 bilang National Disability Rights week.

Bahagi ito ng commitment ng bansa sa United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD).

Sa dalawang pahinang proclamation number 597 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong June 13, nakasaad na inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Social Welfare and Development o DSWD at ang National Council on Disability Affairs o NCDA na pangunahan ang selebrasyon ng National Disability Rights week.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Habang ang NCDA naman ang gagawa ng mga programa, aktibidad, at mga proyekto na may kaugnayan sa seleberasyon.

Binigyan din ng direktiba ang lahat ng mga government agencies, instrumentalities, kasama ang mga government-owned or -controlled corporations, state universities and colleges na suportahan ang selebrasyon.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Gayundin ang lahat ng local government units, non-government organizations, at pati mga private sectors.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay nakatuon sa layunin ng UNCRPD na itaguyod, protektahan at tiyakin ang ganap at pantay na pagtatamasa ng lahat ng karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan ng lahat ng taong may kapansanan, at itaguyod ang paggalang sa kanilang dignidad.