Jordan Clarkson, pabalik na ng bansa para sumali sa Gilas buildup

Pabalik na sa Maynila ang UTAH Jazz star na si Jordan Clarkson upang sumali sa Philippine Team na Gilas Pilipinas para sa papalapit na 2023 FIBA Basketball World Cup.

Hindi ito nasakali sa pocket tournament ng Gilas sa China dahil nagkaproblema ito sa visa, ngunit marami pa itong oras para makapag ensayo bago ganapin ang World Cup sa ika-25 ng Agosto.

Read More:  Carlos, Karl Eldrew Yulo to lead PH Gymnastics Team in 2026 Asian Games

Ayon kay Head Coach Chot Reyes, hindi napuputol ang pakikipag-ugnayan nito sa dating NBA Sixth Man of the Year bilang pagtiyak na nasa magandang pangagatawan si Clarkson pagdating sa Pilipinas.

Read More:  Team Philippines eyes bigger Gold Medal Haul in Aichi-Nagoya Asian Games

Nairepresenta na nito ang bansa sa dalawang laro ng FIBA ​​World Cup Asian qualifiers noong nakaraang taon, na may average na 25 puntos, 6.5 assists, at 5.5 rebounds bawat paligsahan.