Jonel Nuezca, patay sa Bilibid

Patay na ang dating pulis na si Jonel Nuezca na nakakulong matapos hatulan ng pagpatay sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony sa Tarlac.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Gabriel Chaclag, si Nuezca ay dinala sa New Bilibid Prison (NBP) hospital bandang alas 6:30 ng gabi ng kanyang mga cellmates, matapos mawalan ng malay habang naglalakad sa labas ng kanyang dormitoryo.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Pero bandang alas 6:44 ng gabi, ideneklara si Nuezca na patay na.

Hindi pa naman malaman kung anu ang sanhi ng pagkamatay nito.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa ngayon, iniimbestigahan kung mayroong foul play sa insidente.

Ang 52-anyos na dating pulis ay tatlong buwan nanag nakakulong sa NBP, matapos mahatulang guilty ng dalawang bilang ng murder ng Tarlac Court noong August 26 at nahaharap sa penalidad na 40 taong pagkakakulong. //MHEL PACIA-TRINIDAD