Job order employees at Contract of service workers hindi kasama sa issuance ng CSC sa flexible work arrangement

CAMARINES NORTE – Nilinaw ng Civil Service Commission na hindi kasama sa Flexible Work Arrangement ang job order employees at contract of service workers alinsunod sa Memorandum Circular No 6 series of 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Camarines Norte CSC Director II Atty. Alicia Salinas hindi saklaw ng MC ng CSC ang mga ito dahil hindi sila itinuturing na kawani ng gobyerno. Gayunman may probisyon umano sa nabanggit na MC na maaaring magpalabas ng “parallel” issuance ang Commission on Audit o Department of Budget and Management.

Mababatid na dahil sa nararansang matinding init ng panahon ay maaaring i- adopt ng mga opisina ng gobyerno ang flexible work arrangement tulad ng work from home basta’t masiguro na may maiiwan pa rin sa opisina. Maaari din aniyang ipatupad ang “flexi time” basta’t 40 hours pa rin sa isang linggo ang trabaho. Sa ngayon wala pa naman umanong natatanggap na opisyal na komunikasyon ang CSC field office hinggil sa implementasyon ng FWA sa mga opisina ng gobyerno dito sa probinsiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *