Jennylyn Mercado, naghahanda sa balik-trabaho matapos manganak

Naghahanda na ngayon sa kanyang pagbabalik sa pag-arte ang aktres na si jennylyn Mercado makalipas ang halos dalawang taong pagpapahinga sa showbiz industry.

Sa kanyang Instagram Stories, makikita na ibinahagi niya ang posts ng talent manager at CEO ng talent agency na Aguila Artist Management na si Katrina Aguilar na kung saan ay nakipagkita na siya sa mga bago niyang endorso.

Ibinunyag din sa IG Stories na may bago pelikula na offer sa kanya.

Matatandaan noong April 18 lamang ay kinumpirma ni Jennylyn na malapit na siyang masilayan sa telebisyon matapos tanungin ng isang fan sa social media.

Matatandaang noong October 2021 nang mabalitaang nagdadalang-tao si Jennylyn kasabay ng kanyang taping sa nasabing TV show. Si Mercado ay ikinasal sa aktor na si Dennis Trillo mula noong 2021.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *