Japan at South Korea bigong makapasok sa FIFA World Cup quarterfinals

Kapwa nabigo ang dalawang Asian team na umabanse sa FIFA World Cup quarterfinals.

Unang tinalo ng Croatia ang Japan sa isang penalty shootout 3-1 matapos na parehong magtala ng tig-isang goal sa duration ng laban.

Samantala pinatunayan naman ng Brazil kung bakit sila ang no. 1 sa FIFA World ranking matapos ibaon ang South Korea sa 4-1.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Maagang nagpasiklab ang mga Brazillians laban sa mga Koreano kung saan lahat ng apat na goal ay na-score ng mga ito sa first-half pa lamang ng laban.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Naitala naman ang kaisa-isang goal ng Korea sa 76th minute mark, ilang sandali bago tumunog ang final buzzer.

Samantala, maghaharap ngayong ang Morocco at Spain at England vs Switzerland para pag-agawan ang huling dalawang spots sa quarterfinals ng FIFA World Cup.