85% ng mga batang edad 5-11 anyos sa Bula, Camarines Sur  bakunado na

NAGA CITY- Mataas ang vaccination rate laban sa COVID-19 ng Bula, Camarines Sur para sa mga batang edad 5-11 anyos.

Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Mylene Mella ng Bula Municipal Health Office. Aniya 85% ng kanilang target ay bakunado na, bago pa man ang election 2022 puspusan na ang kanilang pagbabakuna. Paghahanda aniya iyon sa full implementation ng face-to-face classes. Katunayan sila ang ang unang nakaabot ng green category sa lalawigan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Hindi na sila nakasabay sa pagsisimula ng Bakunahang Bayan II dahil sa iba pang aktibidad ng health office, gayunpaman ay hahabol sila ngayong araw upang muling maghikayat na magkaroon ng first dose ang mga hindi pa nababakunahan at magpabooster na nag mga fully vaccinated.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aminado si Mella na paisa-isa na lamang kasi ang nahihikayat nila, mahirap kumbinsihin ang mga magulang.