January 9, idineklarang special non-working day sa lungsod ng Maynila

Inanunsyo ng Palasyo ng Malacañang na walang pasok ang buong lungsod ng Maynila sa darating na January 9.

Batay sa Proclamation Number 434 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, itinakda ang special non-working day sa Manila bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pyesta ng Itim na Nazareno.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Layunin ng nasabing proklamasyon na magbigay daan para sa mga taga-Maynila na makalahok at maipagdiwang ang naturang okasyon.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Nabatid na milyong-milyong mga deboto ang inaasahan ng mga otoridad na dadalo sa traslacion ng Itim na Nazareno.
#