Janitor sa isang mall sa Bulacan, nagsauli ng P100K na halaga ng pera

Nagpamalas ng katapatan ang isang janitor matapos magbalik ng higit P100,000 na halaga ng pera na naiwan sa loob ng comfort room ng isang mall sa Bulacan.

Kinilala ang janitor na si John David Sulit na nagtungo sa Customer Relations Service (CRS) office ng mall upang iulat na may nakita siyang pera na nakabalot sa plastic.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Ayon kay Sulit, hindi siya nagdalwang isip na isauli ang pera sa may ari nito.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Dagdag pa nito, na hindi rin pumasok sa isip niya na ibulsa ito.

Mabilis namang naibalik ang pera sa may-ari nito na nagpahayag ng pasasalamat sa janitor at sa buong CRS team sa pagbalik ng kanyang pera.