Iza Calzado, gaganap bilang unang Darna sa bubuoing superhero TV series

Gagampanan ng aktres na si Iza Calzado ang papel ng unang Darna, na ina ni Narda sa upcoming superhero TV series ng ABS-CBN.

Inanunsyo ni ABS-CBN Head of TV Production Laurenti Dyogi sa isang virtual interview na kasama si Calzado para sa kaarawan nito, na sisimulan na nila ang shooting ng “Darna” TV series sa huling quarter ng taon.

Inihayag naman ni Iza na noong 2017 pa sila nagpulong para sa Darna, na dahilan kung bakit ay na-attach na siya sa proyekto.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Kwento ni Iza, pelikula pa ang usapan nila noon at nagkaroon ng maraming pagbabago sa paglipas ng panahon ngunit hanggang ngayon ay kasama pa rin siya sa mga plano.

Nagpasalamat naman si Iza dahil nag-training siya ng matagal nang walang ibinubunyag na kahit ano at pakiramdam niya ay sumailalim siya sa isang mahabang paglalakbay.

Matatandaan na nagsimula bilang movie project ang Darna noong 2015 kasama sina Angel Locsin at director Erik Matti.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Gayunman, dahil sa back injury ay kinailangang ni Angel na umatras sa nasabing proyekto at ipasa ito kay Liza Soberano.

Pero dahil sa pinsala sa daliri ni Soberano ay nag-back out rin ito mula sa proyekto hanggang noong 2019 ay inanunsyo ng Star Cinema na bibida sa proyekto si Jane De Leon.

Pagsapit ng 2020 ay ginawang TV series ang pelikula dahil sa pandemya at dahil na rin sa franchise issue ng ABS-CBN.