Issue ng Sepak Takraw noong 2024 SRAA Meet, nilinaw

KORONADAL CITY – WALANG dayaan na mangyayari kaugnay sa napiling mga players ng Sepak Takraw na siyang mag-rerepresenta ng Rehiyon-12 para sa nalalapit na Palarong Pambasa 2024 sa lungsod ng Cebu. Ito ang nilinaw ni Ma. Theresa Hallagado, Regional Tournament Manager sa Sepak Takraw sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kasabay sa nagdaang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association Meet o SRAA 2024.

Ayon kay Hallagado, na ang mga balasehan nito ay nakabase sa technical guidelines kung saan secondary boys na Top Two Performing Rigos na binubuo ng tatlong atleta at isang reserve player; bilang ng nanalo sa elimination rounds, cross over, at championship matches ang kaparte ng recommendatioin para sa national competition na magmumula rin sa pawang paaralan. Magmumula ang isang rigo ng Sepak Takraw sa Cotabato Division kung saan ditto nagmula ang Best Tekong o server kung saan ito ang nakabase sa resulta ng mga laro kung saan pasok din sa Top Two Rigo ang Koronadal City Division kung saan parehas ang mga ito ng Cotabato Division na may limang panalo at zero losses.

Ayon kay Hallagado, kasama rin sa Top Two Rigo ang representante ng Silway 8 National High School ng Polomolok na may lima ring panalo at zero losses kung saan nananatili na may board at guidelines na magdedesisyon sa concern na ito.