Issuance ng Voter’s Certification suspendido simula August 28 hanggang September 2

CAMARINES NORTE – Sinuspinde ng Commission on Elections ang processing at pag-iisyu ng Voter’s Certification mula August 28 hanggang September 2 o sa buong panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC)

Batay ito sa Memorandum Advisory na pirmado ni Atty. Teopisto Elnas Jr. Executive Director ng Comelec Manila na naka-address sa lahat ng Election Officers at Election Assistants.

Alisunod naman ito sa Comelec Resolution No 10905 upang bigyang daan at ituon ang oras sa pag-aaccomodate ng mga maghahain ng COC.

Ang mga Comelec Offices sa iba’t-ibang munisipyo sa lalawigan ng Camarines Norte ay nagpaskil na ng abiso at sumulat na rin sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.

Muling mag-iisyu ng Voter’s Certification ang Comelec sa September 4.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, puspusan naman ngayon ang ginagawang paghahanda ng Comelec para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Kahapon ay nagkaroon ng Provincial Joint Security Control Conference na pinangunahan ni Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves na dinaluhan ni Department of the Interior and Local Government Provincial Director Melody Relucio at mga kinatawan mula sa Philippine Army at Philippine National Police.

Sinuspinde ng Commission on Elections ang processing at pag-iisyu ng Voter’s Certification mula August 28 hanggang September 2 o sa buong panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC)

Batay ito sa Memorandum Advisory na pirmado ni Atty. Teopisto Elnas Jr. Executive Director ng Comelec Manila na naka-address sa lahat ng Election Officers at Election Assistants.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal