Tuloy ang pambobomba ng Israeli warplanes sa Gasa Strip habang dagsa ang mga Palestinian prosters sa mga kalsada
Ayon sa report, libu-libong protesters ang nagtipon sa mga bayan sa West Bank kabilang ang Ramallah at Hebron kasunod ng panawagan ng ilang grupo kabilang ang Hamas militants sa Gaza at Fatah para sa mass strikes.
Ayon kay Palestine Liberation Organization Executive Committee member Wasel Abu Yousef, nais nilang itigil na ng Israel ang krimen at pag-massacre sa mga tao sa Gaza

Kinumpirma naman ng Israel Defense Forces na nagpakawala sila ng 9 na rocket sa Gaza kung saan puntirya nila ang tunnel system sa Northern part at mga bahay ng Hamas commanders at anti-tank squad sa lugar.
Nagpatupad din ang Israel ng partial closure sa West Bank kung saan tanging mga lalaking nasa edad-45 pataas at Palestinian construction workers na may work permits ang pinapayagan na makapasok sa kanilanga teritoryo.