SORSOGON CITY – Nasa rekomendasyon na para sa fully certification ng ISO 9001:2015 ang bayan ng Irosin.
Ito ay matapos makapasa ang LGU sa Stage 2 Certification Audit.
Ayon kay Irosin Mayor Alfredo Pidoy Cielo, mula noong nakaraang taon ay pinaghandaan na ito ng LGU, bilang pagkilala sa pagbibigay ng magandang serbisyo ng bawat departamento ng munisipyo kung saan target ng LGU na bago matapos ang taon ay makuha nila ang naturang sertipikasyon.
Ang International Organizations for Standardisation (ISO) 9001:2015 ay ibinibigay sa isang opisina o LGU na nagpapakita ng dekalidad na serbisyo publiko.
Una na itong nakuha ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon.

Ang ISO 9001:2015 ay ang bagong bersyon na mas nakatuon sa ‘risk-based thinking.’
Ito rin ay sumusunod na sa pangkalahatang istruktura katulad ng ibang ISO management system standards.
Para magpasertipika ng bagong bersyon, tatlong taon ang ibinigay ng International Organization for Standardization (ISO) sa mga kasalukuyang may hawak ng ISO 9001:2008 Certificate.