Isang transport sector sa Camarines Sur, hindi kinukonsinti ang anumang pagkakamali ng isang driver; suspensyon sa biyahe, maaaring ipataw sa kanya

NAGA CITY – Hindi kinukonsinti ng Libmanan Transport Service Cooperative sa Camarines Sur, ang anumang pagkakamali o pagkakasala ng isang jeepney driver, kung ito ay mapatunayan.

Kaugnay ito sa reklamong ipinaabot ng isang concern citizen sa Brigada News FM Naga sakay ng Libmanan-Naga na hindi sinuklian sa ibinayad nitong pamasahe na P100.00

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa panayam ng BNFM Naga kay Allan Offemaria, opisyal ng kooperatiba, maaaring masuspende sa biyahe ang driver, sa panahon na mapatunayan at may basehan ang nagrereklamo, first offense nito pitong araw na walang biyahe.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Katunayan bumaba sa P50.00 mula sa P71.00 ang pamasahe Libmanan-Naga, vice versa, para magaan sa mga pasahero.

Paraan din kasi ito ng naturang kooperatiba na madisiplina ang kanilang mga nasasakupan, na ipinanawagan na rin sa mga pasahero na pumuntan lamang sa kanilang opisina kung may reklamo.