Iminungkahi ni Senator Francis Tolentino na dapat ng pauwiin na muna ng Department of Foreign Affairs ang ambassador ng Pilipinas mula sa Beijing.
Ito ay upang kondenahin ang panibagong pangha-harass ng China sa barko ng Pilipinas.
Ayon kay Sen. Tolentino paraan ito upang maipakita ang mataas na lebel na pagkundina ng Pilipinas sa paglabag ng China sa West Philippine Sea.
Dagdag pa niya na kailangan na rin kumilos ng Pilipinas para maiparating ang isyu sa United Nations.
Hindi naman sangayon sa rekomendasyon ang senador na i-air draft na lang ang mga supply sa BRP Sierra Madre dahil may karapatan ang Pilipinas sa Ayungin Shoal.
