Isang senador, hinikayat na ihanda na ang LGU sa pagbabakuna sa mga menor de edad

Hinihikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno na simulan nang ihanda ang mga local government units (LGUs) sa maayos na pagbabakuna sa mga menor de edad.

Ito ay matapos aprubahan ng Food and Drug Administration na gamitin ang bakuna ng Moderna sa mga batang may edad 12 hanggang 17.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ayon pa sa senador, sa puntong ito ay dapat na maghanda na ang LGU kasama ang National Task Force (NTF) against COVID-19 , Department of Health (DOH), at Department of Education (DepEd).

Matatandaan na mariing isinusulong ng senador ang pagbabakuna sa mga menor de edad dahil ito umano ang solusyon upang ligtas na makapagbukas na ang mga eskwelahan sa bansa.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Samantala, bukod sa Moderna, inaprubahan din ng FDA ang bakuna ng Pfizer-BioNTech para ibakuna sa mga may edad 12 hanggang 15, habang kasalukuyan pang nakabinbin ang aplikasyon ng Sinovac upang payagan ang kanilang bakuna na maiturok sa mga batang may edad 3 hanggang 17.