Dead-on-the-spot ang isang rider ng motorsiklo matapos na sumemplang at pumailalim sa isang 10-wheeler truck sa Tondo, Manila.
Ayon sa barangay, iniwasan umano ng rider ang kasalubong na tricycle na nag-counterflow sa kanyang linya kaya tumilapon ang rider hanggang sa tuluyang pumailalim at magulungan ng kasunod na truck na kargado ng lumber goods.
Napag-alaman na ang 32-anyos ng biktima ay taga-Quezon City.
Dinala na sa Manila Traffic Bureau ang driver ng truck.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at hinahanap na rin ang tricyle na nag-counter flow sa linya ng biktima bago mangyari ang insidente.