Isang pulis, huli sa pamamasada ng kolorum na van sa Sampaloc, Manila

Huli sa ikinasang operasyon ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang pulis na ilegal na namamasada ng kolorum na van sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa SAICT, malapit ng mag retiro sa kaniyang serbisyo ang pulis na driver at operator ng kolorum na van.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Naaktuhan ang pulis na may mga sakay na pasahero at naniningil pa ng pamasahe.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Maayos namang sumama at nakipag-coordinate ang umano’y pulis at nagpatiket sa operatiba ng SAICT habang dinala naman sa pinakamalapit na impounding area ng Land Transportation Office ang kolorum na van.