Isang para-archer mula Kalinga, pasok sa Paris 2024 paralympic games

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”-๐—”๐—ฅ๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—”, ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—ฌ๐— ๐—ฃ๐—œ๐—– ๐—š๐—”๐— ๐—˜๐—ฆ Pasok sa 2024 Paralympic Games sa Paris, France ang isang para-archer na mula sa Tanudan, Kalinga matapos ang Bipartite Commission at makamit ang mga kwalipikasyon para sa Compound Women’s Open Category.

Si Agustina Bantiloc, 55-anyos ay kilala bilang parte ng historic duo na nakakuha ng unang podium finish ng Pilipinas sa Compound Open Mixed Category ng Para-Archery Olympic Qualifiers sa Thailand noong 2023. Sa naturang kompetisyon ay nakuha ni Bantiloc kasama si Marzel Burgos ang bronze medal.

Ang Paris 2024 Paralympic Games ay gaganapin sa ika-28 ng Agosto hanggang ika-8 ng Setyembre taong kasalukuyan kung saan mayroon itong 22 na sports na kinabibilangan ng athletics, archery, badminton, blind football, boccia, canoe, cycling, equestrian, goalball, at iba pa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *