DSWD Region 2, kinilala bilang best operation center sa buong bansa

๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ, ๐—ž๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—” Kinilala bilang Best Operations Center sa buong bansa ang DSWD Region 2 mula sa labing pitong rehiyon dahil sa maayos na ugnayan ng ahensiya sa mga lokal na pamahalaan.

Nanguna ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos sa may pinakamataas na accomplishment sa pamamahagi ng Social Pension sa mga mahihirap na senior citizen.

Nakapagtala ng isandaang porsiyentong disbursement rate ang rehiyon noong taong 2022, habang nasa 99.98% naman nitong taong 2023 sa pamamahagi ng pension.

Ipinagmalaki ni Regional Director Lucia Alan na kahit maraming lugar ang itinuturing na geographically isolated and disadvantaged areas sa rehiyon ay hindi nagpapahuli ang kanilang tanggapan sa pagpapatupad ng mga programa. Ang rehiyon dos ay may kabuuang 244,431 na benepisyaryo sa ilalim ng Social Pension Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *