CAMARINES NORTE – Ilulunsad ngayong buwan ng hulyo ang mga programa ng isang NGO, PNP at TESDA sa bayan ng Daet, Camarines Norte matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement ng nasabing ahensya at Sarong Banggi Organization International Inc. nitong lunes upang suportahan ang pagsisikap ng pambansang pamahalaan ng pilipinas na wakasan ang pag-aalsa sa bansa.
Layon ng naturang grupo na sa paglulunsand ng mga programa ay magiging daan ito upang maiwasan ang pangihikayat ng makakaliwang grupo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabuhayan at kaalaman sa mga komunidad.
Sa pagsasakatuparan nito naglunsad ang naturang grupo ng mga gaganaping libreng pagsasanay kabilang ang Meat Processing training sa Barangay Talobatib, Barangay Malangcao-Basud at mga piling Barangay sa bayan ng Mercedes na gaganapin sa July 21, 2023.
Samantala, sasagutin ng naturang NGO ang mga gastos sa nasabing programa, habang ang mga kalahok at pagdadaosan ng pagsasanay ay pamamahalaan ng PNP, at TESDA naman ang maglalabas ng mga sertipiko ng pagsasanay sa lahat ng kalahok.
