Isang milyong piso na cash money at alahas natangay ng isang kasambahay sa kanyang amo sa bayan ng Daet Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Umaabot sa isang milyong pisong halaga ng pera at alahas ang natangay ng isang kasambahay sa kanyang amo nitong Disyembre 17, 2021 dakong 5:00 ng hapon sa Purok 5, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si alyas VIRGIE, 45 anyos, residente ng Barangay Lalawigan, Mercedes, Daet, Camarines Norte samantala ang biktima naman ay kinilalang si alyas JOAN, 43 anyos, may asawa, businesswoman at residente ng Purok 5, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.

 Ayon sa ulat, personal na nagtungo ang biktima sa Daet MPS at inireport na ang kanyang bahay ay pinasok ng nabanggit na suspek sa pamamagitan ng pagsira sa screen door sa kanang bahagi ng bahay nito.

Nang makapasok na ang suspek ay kinuha at dinala ang mga sumusunod na ninakaw na bagay na nasa loob ng silid ng biktima:

•Isang Milyon at Isang Daang Piso (Php 1,100,000.00) na cash money na nakatago sa loob ng sling bag;

•Dalawampung Libong Piso (Php 20,000.00) kasama ang ilang ATM cards ng BPI, BDO, Metro Bank, PNB, PS Bank na nasa loob ng mahabang wallet na may zipper na “lacoste” ang tatak;

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

•Animnaput Apat na Libo at Dalawang Daang Piso (Php 64, 200.00) na nakalagay sa loob ng brown envelope; at

•Assorted Jewelries na nasa loob ng jewelry box na nakapatong sa ibabaw ng table cabinet na naglalaman ng mga sumusunod;

*Isang (1) piraso ng gold bangle na nagkakahalaga ng Php 80,000;

*Isang (1) piraso ng Saudi gold bracelet na nagkakahalaga ng Php 45,000.00;

*isang (1) piraso ng gold necklace na nagkakahalaga ng Php 75,000.00;

*Isang (1) piraso ng gold necklace na nagkakahalaga ng Php 22,000.00;

*Isang (1) piraso ng gold pendant heart na nagkakahalaga ng Php 19,000.00;

*Isang (1) piraso ng gold pendant horse na nagkakahalaga ng Php 17,000.00; at

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

*Isang (1) pares ng gold earrings na nagkakahalaga ng Php 22,000.00.

Sa mga footages na nakunan ng mga CCTV cameras na naka-install sa bahay ng biktima ay nakita ang suspek sa aktong pagnanakaw.

Positibong nakilala rin ang suspek dahil mahigit isang (1) taon na nila itong kasambahay.

Tumakas ang suspek na naglalakad bitbit ang isang eco bag na kulay pula kung saan inilagay ang mga ninakaw na gamit.

Ang nasabing pagnanakaw ay isinagawa habang wala sa bahay ang biktima at nadiskubre lamang nang ito ay dumating na.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Daet MPS at ipinaalam sa mga border checkpoints ng probinsiya ang pagkakakilanlan ng suspek para sa agarang pagkakadakip nito. Nagsagawa na rin ng mga panayam, imbestigasyon at mga larawan sa pinangyarihan ng krimen kaugnay ng nasabing insidente.

Pahayag ni PCOL GUADAMOR na ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, pinag-iingat ang lahat sa posibleng paglaganap ng mga magnanakaw at mga masasamang loob.