Isang magsasaka sa Brookes Point, nagpasaklolo sa Sanggunian dahil umano sa pagkasira ng ilog na kanilang water source

Nagpasaklolo na ang isang magsasaka sa Sangguniang Bayan ng Brooke’s Point matapos di umanong masira ang ilog na pinagkukunan ng kanilang tubig sa ilog ng tagdalumin sa pagitan ng Barangay Mambalot at Maasin.

Ayon kay Tatay Fernando, nakiusap umano ang ilang indibidwal na gamitin ang kanyang lupa upang gawing daan ng mga truck ng Ipilan Nickel Corp. at pinayagan naman nya ito subalit ang pagsira ng ilog sa kanyang lupain ay hindi umano katanggap-tanggap dahil maraming magsasaka ang naapektuhan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kugnay nito ay nagmungkahi si konsehal Nathan Sam Lacanilao na idulog sa tamang Committee ang reklamo ni tatay Fernando upang maimbestigahan ang reklamo at kung mapatunayan umanong may paglabag ang minahan dapat aniya itong parusahan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, inirefer ang usapin sa committee in environment andAgriculture na pinamumunuan ni konsehal Victor Colili at Konsehal Lagrada.