Pinili ng isang estudyante sa Canada na mag-uwian at mag-commute na lang nang dalawang beses sa isang linggo papuntang school.

Pero ang kanyang mode of transportation? Eroplano!
Depensa ng estudyante, mas malaki kasi ang matitipid niya kung balikan siya kesa mag-rent ng apartment na malapit sa kanyang school.
Sa Calgary nakatira ang estudyante, na 687 kilometers ang layo sa University of British Columbia (UBC) sa Vancouver, Canada.
Umaabot lang kasi ng 150 Canadian dollars o P6,000 ang roundtrip ticket ng estudante.
Ang renta naman ng one-bedroom apartment sa Vancouver malapit sa school ay 2,100 to 2,500 Canadian dollars o PHP86,000 to PHP102,000
###