Trending ngayon ang pagkahimatay ng isang bride sa kanyang kasal.

Sumakto kasi ito matapos niyang sambitin ang “I do” sa harap ng altar.
Tatlong beses bumagsak ang bride sa kanyang kasal, kung saan kailangan maantala ang cermony at ihiga siya sa sahig hanggang magkamalay.
Paliwanag ni bride na si Catherine Franks, hinimatay siya dahil sa exhaustion at dehydration dulot ng matinding init.
Nang mahimasmasan, sinikap daw niyang tumayo dahil bigla naalala na hinimatay siya sa gitna ng altar.
Sa kabila nito, nairaos naman ang kasal nila ng groom na si Alex Franks.