Isang brgy. sa Naga City problema ang mga menor kung paano mapapasunod sa curfew hours

NAGA CITY – Problema para sa isang Barangay sa Naga City kung paano mapapasunod ang mga menor sa curfew hours, marami kasing mga street children na ang iba ay hindi naman residente ng Naga.

Ito ang napag-alaman kay Efren Nepomuceno, Barangay Kapitan ng San Francisco.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Aniya, may mga street children kasi sa kanila na hindi naman nakatira sa nasabing barangay na nagkalat sa kasentruhan tuwing gabi.

Kung saan paki-usap nito sa mga residente lalo na sa mga magulang na batayan at icheck ang kanilang mga anak, upang masiguro na ligtas sa anumang kapahamakan.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Mas papaigtingin kasi ngayon ang curfew hours sa lungsod matapos ang press conference tungkol sa Bandojo case at nabanggit ni Mayor Nelson Legacion ang pagroronda ng mga barangay tanod at pagmonitor sa oras ng curfew hours, gayun din ang paglalagay ng mga CCTVs sa barangay at ang deployment ng PNP sa kanilang mga pwesto.