Isang boom truck, nahulog sa bangin; apat na katao, patay

Patay ang apat na katao matapos mahulog ang sinasakyang boom truck sa isang bangin sa Barangay Sangbay, Nagtipunan, Quirino na mayroong lalim na sampung metro.

Ayon sa ulat, minamaneho ni Florante Barayuga, 42-anyos ang nasabing boom truck kung saan sakay nito ang anim pang indibidwal.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na galing sa Dinapigue ang mga biktima at mayroong mga sakay na construction materials ang kanilang boom truck.

Nang makarating sa pababang bahagi ng kalsada ay nawalan ng preno ang kanilang sasakyan dahilan upang dumiretso ang mga ito sa bangin.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dahil sa insidente, nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang mga biktima na nagresulta sa pagkasawi ng drayber na si Barayuga at pasaherong sina Daisy Regatan, Rogelio Neverio at Henry Baldoza.

Samantala, nawalan naman ng kuryente ang Barangay Ysmael, Disimungal at ilang parte ng Sangbay matapos ang naturang insidente.