Isang Bank Officer arestado sa kasong qualified theft

Isang lalaki na may kasong Qualified theft ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad, alas 11:40 ng gabi, Hunyo 12, 2021 sa Barangay Tabugon, Sta Elena, Camarines Norte.

Ang arestado ay kinilalang siROMMEL MASBATE y QUIÑONES, 52 anyos, isang Bank officer at residente ng Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Si  Masbate ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa dalawang kaso ng Qualified Theft at piyansang umaabot sa apatnapung libong piso (Php 40,000.00) at limampu’t walong libong piso(Php, 58,000.00).

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Ang arestado ay kasalukuyan pang nasa kustodiya ng Santa Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.