Kung puyatan lang ang labanan panalo na si Nguyen Ngoc My Kim ng Vietnam dahil sa kanyang kakayahang hindi dalawin umano ng antok.

Ayon kay Nguyen halos tatlong dekanada na siyang dire-diretsong hindi natutulog.
Isang mananahi si Nguyen, na ngayon ay 49 years old na.
Nagsimula siyang hindi makatulog nang mag-aral na siya at nahilig sa pagbabasa ng mga libro.
Inaabot umano siya ng hatinggabi tuwing nagbabasa at kapag nalipasan na ng antok ay tinatapos ang anumang binabasa hanggang umaga.
Sinabi ni Nguyen na nagpaulit-ulit ang ganitong cycle at nakasanayan na niya.
Pero paglilinaw ni Nguyen na kahit umano 30 years na siyang walang tulog hindi umano ito nakaapekto sa kanyang kalusugan.