Isang alagang kalabaw, kinatay ng kawatan sa bayan ng Narra

Karumal-dumal ang sinapit ng isang kalabaw sa Barangay Malinao Narra, Palawan.

Matapos kasi itong balatan at tanggalan ng lamang loob ay iniwan ito ng hindi pa nakikilalang magnanakaw.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Tumambad ito sa may-ari na si Moises Padilla kahapon ng umaga at nasa 30 metro ang layo nito mula sa lugar kung saan ito itinali.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Hinala nila ay nasa pagitan ng alas-onse at alas-dose ng hating gabi kinatay ang alaga.

Samantala, naipabatid na ang insidente sa mga opisyal ng barangay.