Isa sa mga namatay sa engkwentro sa Kabankalan, hindi pala miyembro ng NPA

Nakilala na ang anim na namatay sa nangyaring enkwentro sa Barangay Tabugon, Lungsod ng Kabankalan.

Kinilala ang mga namatay na sina Alejo Delos Santos, alyas Peter leader nang Bravo Squad 2 Sangay Yunit Propaganda, Marjon Alvior alyas Kennenth Vice Squad Leader nang Squad 2, Bobby Pedro alyas Recoy Vice Squad Lider nang nasabing, Mario Fajardo Mullon alyas Reco o Goring Medic ng grupo, Melissa Dela Pena kilala bilang si Diane asawa ni alyas Bravo na siyangtinutukoy na babaeng buntis at Ruben Gaitan, 30 taong gulang, na siyang driver ng tricycle.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa interview ng Brigada News Team sa Asawa ni Gaitan, wala umanong koneksyon ang kanyang asawa at posible aniya na inakupa lamang ng mga rebelde ang kanyang asawa dahil isa itong tricycle driver at nadamay lamang sa nasabing enkwentro.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa panayam naman ng Brigada News FM Kabankalan kay Brigadier General Joey Escanillas, Commander ng 302nd IB, sinabi nitong meron na silang natatangap na impormasyon galing umano sa kanilang intelligence, na may pinaplanong sparrow o partisan operations ang grupo sa lungsod, dahilan short firearms lamang ang dala ng mga ito.